P.3M pabuya vs 2 kidnaper
Nagpalabas na ng P.3 milyong pabuya ang anti-crime advocates at mga kaibigan ng pamilya ng negosyanteng pinaslang kasama ang kaniyang driver noong Hunyo 2008 laban sa dalawa pang nakakalayang kidnaper.
Kinilala ni P/Senior Supt. Leonardo Espina, hepe ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER), ang dalawa pang kidnaper na sina PO1 Reniel Abogado at Mariano “Spider” de Leon na kapwa itinuturong sangkot sa pagpatay kina Demosthenes Cañete at driver nitong si Allan Garay.
Ang mga biktima ay kinidnap noong Hunyo 27 sa bayan ng Dasmariñas,
Samantala, ang bangkay ni Cañete ay itinapon sa tabi ng highway ng Pampanga noong Hulyo 1 pero umabot ng sampung araw bago natukoy na ito ang kinidnap na trader.
Nadiskubre rin na sa kabila ng patay na ang nasabing negosyante ay nakipagnegosasyon pa ang mga kidnappers na humingi ng P970,000.00 kapalit umano ng pagpapalaya sa mga kidnap victim.
Noong Biyernes ng Hulyo 4 ay magkakasunod na naaresto ang mga suspek na sina Chief Inspector Exequiel Cautiver ng SAF; asawa nitong si P/Chief insp. Penelope Cautiver, dating Vice Mayor Victor Carungcong, PO1 Ric Selga, Alejandrito Entolizo Jr. at si Gary Pateo habang sina PO1 Abogado at De Leon ay nakatakas. Joy Cantos
- Latest
- Trending