PAMPLONA, Camarines Sur - Tinatayang aabot sa labing-isang sibilyan ang maagang kinarit ni kamatayan habang aabot naman sa 27 iba pa ang nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang pampasaherong bus sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay San Ramon, Pamplona, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni P/Insp. Marianito P. Almedral, ang mga nasawi sa Silver Star bus na sina Erick Alcantara ng Brgy. Lawique,Tayabas, Quezon; Jenny Carter ng Guadalupe Nievo, Makati City; PO2 Ricardo Pasaan ng Philippine Coast Guard na nakabase sa Silang, Cavite; Dominador Carrion ng Bagong Nayon, Antipolo City; Godofredo Garcia, samantalang sa Executive Carrier bus naman ay sina George Evangelio ng Daraga, Albay; Wilson Detuail, Dennis Salcedo, Edmundo Tolentino, Da nilo Edloy at isang alyas Bing.
Kabilang sa mga sugatang na pawang mga sakay ng pampasaherong bus na Executive Carrier (PWB 356) at Silver Star Bus Liner (TYK273), ay sina Margarita Astudillo, Dominador Astudillo, Simplicio Antido, Gillian Miel, Rhopalyo Fernandez, Marygen Balinsona, Eloisa Magda, Michael Olaño, Art Teoxon, Emily Salvador, Giray Enrique, Janito Aurelia, Reufranzo Agundino, Myla Acana, Vinenzo Cusi, Clemencia Villamor, Rolando Lenatada, Mallorca Joel Mallorca, Maryan Bentulay, Jesus Bernasol, Edmundo Tolentino, Marinel Tolentino, Mark Ted Ante, Melvin Bayugos, Rodolfo Moquia, Jose Satuito, at si Desiree Salceda
Sa inisyal na ulat ng pulisya, naitala ang trahedya bandang alas-2:45 ng madaling-araw kung saan sumabog ang unahang gulong ng aircon bus ng Silver Star na patungong Cubao, Quezon City mula sa Tacloban City.
Dahil dito ay kumabig sa kabilang linya ng highway ang Silver Star at sumalpok sa kasalubong na aircon bus ng Executive Carrier na minamaneho ni Melvin Bayogos na patungo naman Sorsogon mula sa Maynila.
Ayon sa pulisya, halos mahati ang katawan ng Executive Carrier dahil sa pagkakasalpok habang ang mga sugatang biktima ay ginagamot sa Bicol Medical Center sa Naga City. (Dagdag ulat ni Ed Casulla)