14 jueteng kolektor tiklo

BATANGAS – Labing-apat na kalalakihan na pina­nini­walaang kobrador ng jueteng ang naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa isinagawang operasyon sa Tanauan City, Batangas, ayon sa ulat. Ki­nilala ni Atty. Ge­neroso Ma­tulac, Region 4 NBI director, ang mga suspek na sina Sotero Carandang, Sandy Dimaculangan, Rey Esmael, Atoy Gonzales, Nelson Liwa­nag, Marco Landicho, Efren Martinez, Claudio Mendoza, Armando Mercado, Francisco Bilog, Renato Mercado, Ro­dolfo Mozo, Edward Villa­nueva at si Tatang Manoba. Ayon sa ulat, sinalakay ang isang bahay sa Barangay Ta­laga kung saan naaktu­han ang mga suspek na nag­re­rebisa at nagbibilang ng taya bandang alauna y medya ng hapon. Gayon pa man, pan­sa­mantalang pinalaya ang mga suspek at pinayu­hang bumalik para sa preliminary investigation.  Arnell Ozaeta

Show comments