Sinabi ni Rizal Provincial Governor Casimiro Ynares III kamakailan na ang inagurasyon ng 2-megawatts na planta ng Montalban Methane Power Corporation ay magbubukas ayon sa itinakdang panahon sa ika-24 ng Hulyo at wala siyang nakikitang aberya sa pagsisimula ng operasyon nito.
Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal ay pumasok sa isang kasunduan kasama ang Pamahalaang Bayan ng Rodriguez, Rizal at International SWIMS, Inc., isang pribadong kumpanya na nagmamay-ari ng saradong 14 ektaryang dumpsite. Sinabi rin ni Ynares na, ayon sa presidente ng MMPC na si Peregrino Fernandez Jr., ang planta ay kokolekta ng methane gas mula sa 19 ektaryang landfill upang magsilbing gasolina sa makina at makapag- generate ng kuryente na aabot sa 15 megawatts. Sinabi ni Ynares na kailangan munang pag-aralang mabuti ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal ang sulat ni Fernandez na humuhiling na magamit ang 19-hectare landfill ng probinsya.