2 itinumba sa Abra

ABRA – Dalawa-katao ang iniulat na napaslang sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa bayan ng Bangued, Abra kamakalawa. Base sa ulat, si Renato Bose, 54, magsasaka, ng  Brgy. Palao, Bangued ay niratrat at napatay ng ‘di-pa kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo matapos na dumalo sa meeting ng Knights of Columbus sa Bangued Parish Church.  Sa nakalap na ulat kay P/Senior Supt. Alex Pumecha, Abra police director, pinagbabaril din at napatay ang isang kawani ng Abra Electric Cooperative na si Joel “Rex Boy” Banes, sa bisinidad ng Abra-Kalinga Road, Zone 7, habang papasok ito sa opisina sakay ng kanyang motorsiklo. Myds Supnad

Show comments