Rizal – Nadakip ang isang 28-anyos na lalaking umanoy miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army sa isang entrapment na isinagawa ng pulisya matapos na kikilan umano ang magkapatid na babaeng negosyante ng revolutionary tax sa Binangonan, Rizal.
Kinilala ang nadakip na suspek na si Ariel Balbuena, 28, ng Antazo Subdivision, Batingan, Binangonan at base sa record ng pulisya miyembro umano ito ng CPP na nakabase sa Rizal. Pormal na nagreklamo ang biktimang sina Josephine Lara at Estrella Lara na nagsabing hinihingan sila ng suspek ng halagang P10,000 bilang revolutionary tax para sa CPP-NPA. (Edwin Balasa)