48 mag-aaral nalason

Apatnapu’t walong mag-aaral sa Igtubili Elementary School ang naospital matapos na malason sa feeding program sa bayan ng Tubungan, Iloilo kaha­ pon ng umaga. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, pawang nasa edad 9 hanggang 10-anyos mula sa grade IV ang isinugod sa Guimbal District Hospital matapos mahilo at dumanas ng ma­­tin­ding pananakit ng tiyan. Nabatid na sumailalim sa feeding program ang mga biktima kung saan ay pinakain ng sinabawang monggo, saging at ma­lung­gay na may halong sardinas. Patuloy namang  inoobserbahan ang kondisyon ng mga batang bik­tima habang sinusuri naman ang mga sample ng pagkain. Joy Cantos

Show comments