Tsinoy binoga sa ulo ng karnaper

Na-comatose ang isang 26-anyos na Tsi­noy matapos na pagba­rilin sa ulo ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan na puwersahang tuma­ngay sa sasakyan nito sa Barangay San Ma­tias, Guagua, Pam­panga kamakalawa.

Kasalukuyang naki­ki­pagbuno kay kama­tayan sa Mother Teresa of Calcutta Hospital sa San Fernando City ang biktimang si Marvin Zita Chu ng Brgy. San Vi­cente sa bayan ng Sta. Rita, Pampanga.

Batay sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, ban­dang alas-11:30 ng gabi nang bumaba sa kaniyang kulay puting Ford Eve­rest (XMD-253) ang biktima para bumili ng tinapay sa  Artlits Bake­shop sa nasabing lugar nang lapitan ng mga suspek na pilit inaagaw ang dala nitong susi.

Akmang papalag ang biktima nang pag­babarilin sa ulo ng isa sa mga karnaper at ka­agad na nagsitakas ta­ngay ang Ford Everest patungo sa hindi pa malamang destinasyon. Joy Cantos

Show comments