Ship owner itinumba

Pinagbabaril hanggang sa mapaslang ang isang ship owner ng mga arma­dong kalalakihan sa bisi­nidad ng Zamboanga City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Faustino Sa­avedra, may-ari ng Ever Lines Shipping Company na nagtamo ng apat na tama ng bala sa ulo at leeg.

Batay sa report ng Police Regional Office (PRO)-9, dakong alas-6 ng gabi nang maganap ang krimen sa bahagi ng Barangay Canelar.

Nabatid na galing sa simbahan ang biktima kasama ang asawa nito at pauwi na nang harangin ng mga di-pa kilalang lalaki na sakay  ng motor­siklo.

Agad na pinaputukan ang biktima habang ma­suwerte namang nakalig­tas ang kaniyang misis. 

Nagsasagawa na ng follow-up operation sa pinag­kukutaan ng mga killer.

Show comments