^

Probinsiya

3 bata natodas

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Dala­wang batang lalaki ang iniulat na nasawi maka­raang makur­yente ha­bang nana­lasa ang bagyong “Frank” sa Batangas at Quezon mula pa noong Sabado hanggang kahapon.

Kinilala ng Office of the Civil Defense ang mga biktimang sina Aries Tala, 10, grade 4 pupil, ng Barangay Mel­gar, Naujan, Oriental Mindoro.

Ayon sa report, nag­lalakad sa labas ng bahay si Tala nang ak­sidente nitong mata­pakan ang bumagsak na high-tension wire dahil sa lakas ng ihip ng hangin at buhos ng ulan sa nabanggit na barangay. 

Namatay din sa pag­kakakuryente sa Batangas ang isang 10-anyos na si Nelvic Entino ng Sitio Abilo, Barangay Latag, Na­sugbu, Batangas nang mabagsakan naman ito ng high-tension wire mula sa bumagsak na electric post sa kani­lang lugar.

Samantala, sa Que­zon province, namatay din si Mark Alvarez, 8, matapos  mabagsakan ng punong kahoy sa kanilang tirahan sa Barangay Hardinan, bayan ng Gumaca.

Nasugatan naman ang mga kapatid ni Mark na sina Ryan, 10; at Zenith, 7,  kasalu­ku­yang ginagamot sa Gumaca District Hospital .

Kasunod nito, na­pa­ulat ding nasawi si Wilma Merudio ng Pagbilao Quezon ma­tapos malunod sa tu­big-baha at isa pang di pa nakikilalang biktima na namatay naman sa bayan ng Candelaria Quezon dahil sa pag­kakakuryente.

ARIES TALA

BARANGAY HARDINAN

BARANGAY LATAG

BARANGAY MEL

BATANGAS

CANDELARIA QUEZON

GUMACA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with