^

Probinsiya

Presinto grinanada; 4 pulis grabe

-

Apat na alagad ng batas ang iniulat na nasugatan maka­raang sumabog ang inihagis na granada sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Kabasalan sa Zamboanga Sibugay noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga nasugatang pulis na sina SPO2  Ramon Merida, SPO2 Glicerio Esparagera, PO3 Carmelo Toledo at PO2 Joel Maala na pawang naka-duty sa Ka­basalan Municipal Police Station.

Batay sa report ni Police Regional Office (PRO) 9 chief  P/Director Jaime Caringal, kasalukuyang abala sa pag-aayos ng mga dokumento ang apat na pulis nang uma­lingaw­ngaw ang malakas na putok ng Granada.

Napag-alamang inihagis ang granada mula sa pampublikong palikuran kung saan nasa tapat lamang ng nasabing himpilan ng pulisya.

Malubhang nasugatan si SPO2 Merida at kailangang ilipat sa Zamboanga City habang ang tatlo pa ay  ginagamot sa Kaba­salan General Hospital.

Magugunita na isinailalim sa heightened alert status ang Zam­boanga Peninsula matapos na mapaslang sa engkuwentro si Akiddin Abdusalam alyas Commander Kid­die, dating pinuno ng Special Operations Group ng Moro Islamic Liberation Front noong Hunyo 14.

Si Commander Kiddie ay isinasangkot sa pagdukot kay Ita­lian priest Fr. Giancarlo Bossi noong Hunyo 10, 2007 at nailigtas noong Hulyo 19 sa bayan ng Karomatan, Lanao del Norte. Joy Cantos

AKIDDIN ABDUSALAM

CARMELO TOLEDO

CITY

COMMANDER KID

DIRECTOR JAIME CARINGAL

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with