Signal No. 3 sa 10 lalawigan

Tumama na sa lupa ang Bagyong Frank kahapon ng alas-5:00 ng hapon sa may Eastern Samar at tatawid sa Bicol region papuntang Quezon.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration, taglay ni Frank ang pinakamalakas na hanging 140 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hang­gang 170 kilometro bawat oras.

Patuloy ang pagkilos ni Frank pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 19 na kilometro bawat oras.

Ngayong Sabado, si Frank ay inaasahang nasa may 50 kilometro ng hi­lagang kanluran ng Baler Aurora at nasa 30 kilo­metro ng hilagang kanluran sa linggo.

Bunsod nito, nakataas ang babala ng bagyo bi­lang 3 sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Burias island, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Samar provinces , Leyte at Biliran

Signal number 2 sa Quezon, Polilio island, Marinduque, Romblon, Southern Leyte at Northern Cebu.

Signal number 1 sa Metro Manila, Aurora, Ri­zal, Laguna, Batangas, Cavite, at Mindoro Provinces gayundin sa Antique, Capiz, Aklan, Iloilo, nala­labing bahagi ng Cebu, Bohol, Negros provinces, Guimaras, Dinagat at Sia­r­gao island.

Ayon sa PAGASA, pa­tuloy na nakakaapekto kay Frank ang southwest monsoon na nagdadala ng mga ulan sa Northern Luzon, Visayas at Mindanao. (Angie dela Cruz)

Show comments