Pabrika ng paputok nasunog

BULACAN – Aabot sa P1 milyong ari-arian ang tinupok ng apoy kung saan 17-katao ang nasugatan makaraang masunog ang pinakamalaking pabrika ng paputok sa Barangay Sampaloc, San Rafael, Bulacan kamakalawa ng hapon. Kabilang sa mga sugatan ay sina Mae Presentacion at Donna Nocum habang ang iba pa ay naisugod sa Baliuag District Hospital at Sagrada Familia Hospital. Ayon sa ulat, nagsimulang sumiklab ang sunog bandang alas-11 ng umaga at tumagal lamang ng 45 minuto bago naapula ang apoy. Sa inisyal na imbestigasyon, maaring accidental friction ang pi­nagmulan ng apoy, ngunit patuloy pa rin ang pag­sisiyasat. Hindi naman makakaapekto sa produkto ang sunog dahil sa maliit na bahagi lamang ng pabrika ang naapektuhan, bukod pa sa nagsagawa na sila ng advanced production, pahayag ni Joven Ong, pangulo ng Dragon Fireworks. Dino Balabo

Show comments