Pasahero ng fast ferry, inatake, dedo
CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Isang 39 anyos na lalake ang namatay matapos na atakihin sa puso nitong Lunes ng hapon habang nasa gitna ng biyahe sakay ng isang pampasaherong fast ferry patungong Batangas.
Sa ulat na ipinarating ng ilang tauhan ng Philippine Coast Guard dito sa tanggapan ng Oriental Mindoro Media Club, nakilala ang namatay na pasaherong si Omar Victor C. Tenedora, 39, at residente ng siyudad na ito.
Sinasabi na si Tenedora, kasama ang hindi pa nakilalang kapatid na babae, ay sakay ng SuperCat 23 na umalis sa pantalan dito nang mga dakong alas-3:30 nang hapon ng Hunyo 9 patungo umanong Maynila.
Ngunit, habang bumibiyahe ang barko sa gitna ng karagatan ng Verde Island Passage, bigla na lang inatake sa puso ang biktima. Pinilit namang sagipin ng mga crew ng SuperCat 23 si Tenedora hanggang sa napilitan nang ipinawagan sa pamamagitan ng public address system nito kung mayroong doktor sa sinumang pasahero sa loob ng barko.
Bagama’t may isa ngang doktor na pasahero rin, hindi na rin nagawang isalba ang kaawa-awang si Tenedora. Patay na itong idinating sa pier ng
Ayon naman sa ilang pasaherong sakay doon at nakasaksi ng pangyayari, nakakahapo ang sobrang kainitan sa loob ng SuperCat 23 habang ito ay bumabagtas sa ruta ng Calapan-Batangas samantalang ito ay sarado at dapat na ito ay airconditioned dahil “walk-in passengers” lamang ang sakay ng naturang fast ferry.
Ito marahil ang isa sa nagpalala o nagpaatake sa puso ng nabanggit na biktima. (Juancho Mahusay)
- Latest
- Trending