4 utas sa diarrhea

CEBU – Apat-katao ang kumpirmadong na­matay habang aabot naman sa 50 iba pa ang naospital makaraang ma­nalasa ang diarrhea sa Sitio Asyutis, Ba­rangay Tagamakan sa bayan ng Asturias, Cebu simula pa noong nakali­pas na Linggo.

Sa ulat ni Haidee In­ting sa provincial health office, kinumpirma nito na apat ang nasawi ka­bilang na ang barangay councilman na si Ro­delio Ley­son ha­ bang ang tatlong iba pa na may edad 30 hanggang 50-anyos ay magkaka­pit­bahay at bi­neberipika pa ang pag­kikilanlan.

Sa kasalukuyan ay ina­tasan na ni Dr. Cris­tina Giango, hepe ng PHO, ang kanyang mga tauhan para bisitahin ang bayan ng Asturias kung saan may layong 71 kilometro mula kan­luran ng Cebu City.

Naniniwala naman ang health department na ang tubig inumin ay kon­ tamindo ng bacteria. 

Inatasan din ni Giang­co ang mga health work­er na kumuha ng sample ng dumi ng mga biktima para  suriin.

Karamihan sa mga bik­tima ay nakaranas ng matinding sakit sa tiyan at pagsusuka bago ma­ma­tay subalit wala na­man ma­ tagpuang dugo sa ka­nilang dumi.

Noong Abril 2008, isa ang kumpirmadong na­ sawi habang 15 iba pa ang naospital dahil sa typhoid fever dahil sa kon­taminadong tubig mula sa balon sa Ba­rangay Sta. Lucia.

Lumabas sa resulta ng pagsusuri na lima sa pitong balon na pinag­ku­kunan ng tubig inumin ay kontaminado ng salmonella bacteria na pagmu­mulan ng typhoid fever, paratyphoid fever at foodborne illnesses.

Nadiskubre rin ng provincial health office na karamihan sa bahay ay walang palikuran kaya nagkalat ang dumi ng tao sa likurang ba­hagi ng kani-kanilang bahay.

Kaya kapag umulan, ang nasabing bacteria ay nagtutuloy sa balon at nagdudulot para maging kontaminado ang inu­ming tubig.

Napag-alamang apat na balon na pinagku­ku­nan ng tubig inumin ng mga residente ang isi­nara dahil sa positibong kontaminado ng nabang­git na bacteria.

Ipinag-utos na ni Ma­ yor Allan Adlawan sa mga naninirahan sa nabanggit na barangay na magsi­mula ng pakuluan ang tu­big bago ito inumin upang maiwasan ang nasabing sakit. Dagdag ulat ni Joy Cantos

Show comments