Mag-utol na informer nilikida

Magkasunod na pinagbabaril hanggang sa ma­patay ang mag-utol na inakalang espiya ng pulis at militar sa panibagong paghahasik ng karahasan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA)  sa Ba­rangay Uramica sa bayan ng Esperanza, Agusan del Sur kamakalawa. Kinilala ang mag-utol na sina Jose “Datu Kahusayan” Perez at Abias “Dodong” Perez, kapwa mag­sasaka at residente ng nabanggit na ba­rangay. Base sa ulat ng lokal na pulisya na naka­rating sa Camp Crame, naunang tinungo ng mga re­belde ang bahay ni Jose bago isi­ na­gawa ang pamas­lang. Sinundan namang puntahan ang tahanan ni Abias  at isinagawa ang krimen. Joy Cantos

Show comments