Bisor ng PNOC itinumba

ORMOC CITY, Leyte – Pinaniniwalaang love triangle ang isa sa motibo kaya pi­nagbabaril hang­gang sa mapatay sa hara­pan ng maraming tao ang isang bisor ng PNOC drilling department ng ‘di-pa kilalang lalaki sa nag­anap na panibagong kara­hasan ma­lapit sa bus terminal noong Sabado ng hapon sa Ormoc City, Leyte.

Ang biktimang nasapol ng bala ng baril sa dibdib at tiyan ay nakilalang si Teodoro Salas y Silva, 54, may-asawa at residente ng Barangay Milagro ng na­banggit na lungsod.

Sa ulat ni SPO4 Rudy Sano, homicide chief ng PCP1, lumutang ang ang­gu­long love triangle mata­pos isiwalat ng misis ng biktima na may kare­las­yong ibang babae ang kanyang mister.

Napag-alaman din na kalalaya pa lamang mula sa kulungan ang mister ng ba­bae na nakarelasyon ng bik­tima at posibleng na­kaabot sa kaalaman nito ang bawal na pag-ibig ng dalawa.

Sa salaysay ni Gloria sa mga imbestigador ng pu­lisya, nabatid na naaktuhan niya ang biktima na nasa bahay ng babae sa Ba­rangay San Isidro, Ormoc City.

Ayon kay SPO4 Sano, kagagaling lang ng biktima mula sa city port matapos na mangasiwa ng ilang gamit ng PNOC na naipa­dala sa ibang lalawigan. Sa pahayag ng mga nakasaksi sa krimen, nagkasalubong ang biktima at ‘di-pa kilalang lalaki nang umalingawngaw ang mala­kas na putok ng baril.

Nang bumulagta ang bik­tima ay sinundan pa ito ng isang putok sa dibdib saka palakad na lumayo ang gunman na naka-jacket patungo IAL Bldg. at sumakay ng tray­sikel.

Wala naman rumes­pon­deng pulis sa bus terminal matapos ang pama­maril na sanay may nag­papatrolyang alagad ng batas dahil kara­mihang biyahero ang labas masok sa nasabing terminal.

Subalit ayon kay P/Insp. Shevert Alvin Machete na may dalawang pulis na nag­mamando sa nabanggit na terminal kaya nga la­mang ay pansamantalang lumipat ng ibang lugar para magpa­trolya.

Show comments