^

Probinsiya

Walang pambili ng bigas, ama nagbigti

-

KIDAPAWAN CITY – Dahil sa kakulangan ng suplay at so­brang pagtaas sa presyo ng bigas sa pa­milihan, nagpakamatay ang isang 52-anyos na ama sa likuran ng kanilang bakuran sa Barangay Poblacion-6, Midsayap, North Cotabato noong Huwebes ng mada­ling-araw.

Natagpuang nakabitin ang bangkay ng biktimang si Rodrigo Villar Bangca sa likuran ng kanilang bahay.

Ayon kay Mrs. Bangca, bago nagpakamatay ang kanyang mister, napansin niya’ng balisa ito at ‘di mapakali.  Laging nagtata­nong sa kanya kung paano niya bubuhayin ang pa­milya ngayong halos wala na silang mabiling bigas at mahal pa ang presyo nito sa pamilihan.

Simula noong Lunes, marami sa mga tindahan ng bigas sa North Cotabato ang nagsara dahil sa pa­bagu-bagong presyo. 

Batay sa monitoring ng Local Price Coordinating Council (LPCC) sa Kida­pawan City, tumaas ng halos 30-porsiento ang pre­syo ng bigas sa loob la­mang ng 20-araw na, ayon sa grupo, ay isang mali­naw na paglabag sa Price Act.

Sa ngayon, ang Mila­grosa rice, pinakamagan­dang klase ng bigas, ay ibi­nebenta sa merkado ng P50-kada kilo. Malu Cadelina Manar

BARANGAY POBLACION

LOCAL PRICE COORDINATING COUNCIL

MALU CADELINA MANAR

MRS. BANGCA

NORTH COTABATO

PRICE ACT

RODRIGO VILLAR BANGCA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with