CAVITE – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 73-anyos na lolo makaraang basagin ang bao ng ulo at bigtihin ay itinapon pa sa ilog na sakop ng Indang, Cavite kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arcadio Forres ng Barangay Polo sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat ng pulisya, Bandang alauna ng hapon nang huling namataang buhay ang biktima na bumabagtas sa kahabaan ng Barangay Guyam at Harasan na nakasakay ng traysikel kasama ang isang nagngangalang Delmar Estrada ng Barangay Kayquit.
Pinaniniwalaang napagtripang patayin ang biktima ng isang adik sa bawal na gamut. (Cristina Timbang)