^

Probinsiya

Negosyante todas sa holdap

-

Isang negosyante ang pinagbabaril hanggang sa mapaslang matapos na manlaban sa dalawang armadong holdaper sa Pulilan, Bulacan kahapon ng tanghali.

Kinilala  ni Sr. Supt. Allen Bantolo, director ng Bula­can Provincial Police Office, ang biktima na si Henry Liwanag , 35 anyos, residente ng  Barangay Sampaloc, Baliuag ng naturang lalawigan.

Ayon sa imbestigasyon, hinarang ng mga armadong suspek ang nasabing negosyante at matapos itong tutukan ng baril ay agad na nagdeklara ng  holdap.

Nanlaban naman ang nasabing biktima na tinang­kang bumunot rin ng baril subali’t bago pa niya ito maiputok ay pinagbabaril na siya ng mga suspek.

Agad binawian ng buhay si Liwanag dahil sa mga grabeng tama ng bala sa kanyang katawan. (Joy Cantos)

ALLEN BANTOLO

AYON

BALIUAG

BARANGAY SAMPALOC

BULA

BULACAN

HENRY LIWANAG

JOY CANTOS

PROVINCIAL POLICE OFFICE

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with