^

Probinsiya

Spokesman ng KMP itinumba

-

KIDAPAWAN CITY ­— Pinagbabaril hanggang sa mapaslang ang spokesman ng militanteng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa Southern Mindanao sa naganap na panibagong karahasan sa Sitio Bugac, Barangay Ma-a, Davao City kahapon ng umaga.

Si Celso Pojas, 42, na tumatayo ring secretary general ng Farmers Association ay niratrat ng mga di-kilalang kalalakihan ha­bang nagka­kape sa harap mismo ng Farmer’s Center bandang alas-6 ng umaga.

Nagawa pang maka­takbo ng biktima subali’t hinabol ito ng dalawang gun­men saka muling pi­ nag­­ba­baril upang maka­tiyak na mapapatay nila ang target.

Nabatid na ang biktima ay nakatakdang magtungo sa Compostela Valley para bisitahin ang mga evacuees na nagsilikas sa kanilang tahanan upang hindi maipit sa opensiba ng militar laban sa mga rebel­deng ko­mu­nista.

Duda naman ang KMP-SMR na posibleng ang mga killer ay ahente ng intelligence agency ng militar.

Sa tala ng KMP, si Pojas ay ika-904 biktima ng extrajudicial killing at ika-105 miyembro ng KMP na na­patay simula ng manung­kulan si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001. Nina Malu Manar at Joy Cantos

BARANGAY MA

FARMERS ASSOCIATION

JOY CANTOS

KILUSANG MAGBUBUKID

NINA MALU MANAR

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SHY

SI CELSO POJAS

SITIO BUGAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with