Sulyap Balita
2 todas sa killer kotse
CAMP SIMEON OLA,
Katiwala ng simbahan itinumba
CAMARINES NORTE — Isang 58-anyos na katiwala sa simbahan na pinaniniwalaang nakikipagsabwatan sa pulisya at militar ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng New People’s Army sa Purok 4 Sitio Kilometer Zero, Barangay San Isidro sa bayan ng San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte kamakailan. Kinilala ni P/Senior Insp. Eduardo Golez, ang biktimang si Nelson Naz, caretaker ng simbahan at school nursery ng San Lorenzo Ruiz. Ayon sa ulat, patungo sa palaisdaan ang biktima nang harangin at ratratin ng mga armadong kalalakihan. Napag-alaman na pinagbabantaan ang biktima ng mga ’di-pa kilalang kalalakihan. (Francis Elevado)
2 ‘laglag-bata’ arestado
CAMARINES NORTE — Dalawang kababaihan na pinaniniwalaang nagsasagawa ng abortion ang dinakip ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa magkahiwalay na barangay sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa. Pormal na kinasuhan habang nakakulong ang mga suspek na sina Josefina Rana, 54, ng Purok 8, Brgy. 4 at Violeta Bacalla, 47, ng Purok 5 Brgy Pamorangon. Nakumpiska sa mga suspek ang P500 marked money na ginamit sa entrapment operation ng pulisya at naging mga pangunahing testigo sina Fr. Fidel Era, secretary ni Bishop Gilbert Garcera at Fr. Timoner ng
- Latest
- Trending