^

Probinsiya

Van pinasabog: 5 grabe

-

KIDAPAWAN CITY — Lima-katao ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang pasabugin ang isang pampasaherong L300 van na nakaparada sa bus terminal ng Midsayap, North Cotabato kahapon.

Kinilala ang mga sugatang dinala sa Cotabato Regional and Medical Center at Amado Diaz Hospital sina Violeta Olanday, 32, tubong Pigcawayan, North Cotabato; dalawang anak nitong sina Faith, 8, at French John, 4; Fe Basoy ng Barangay Villarica, Midsayap; at si Teng Hashim ng Datu Piang, Maguindanao.

Ayon kay P/Insp. Andaman Lucas Dicay, deputy chief ng Midsayap PNP, itinanim ang bomba malapit sa driver’s seat ng van na may plakang LDN795.

Napag-alamang patungo sana sa Davao City ang van at naghihintay na makasakay ang iba pang pasahero nang sumabog ang sasakyan.

Nadamay sa pagsabog ang ilang pampasaherong van at mga bus na nakaparada lang sa terminal, ayon kay Dicay. Ito ang ikalawang pagsabog na naganap sa bayan ng Midsayap simula noong Abril 2008.

Samantala, ayon naman sa ulat ni Col. Pedro Soria ng Army’s 602nd Brigade, dalawa ang iniulat na nasawi habang sampung  iba pa ang sugatan. (Malu Cadelina Manar at Joy Cantos)

vuukle comment

AMADO DIAZ HOSPITAL

ANDAMAN LUCAS DICAY

BARANGAY VILLARICA

COTABATO REGIONAL AND MEDICAL CENTER

DATU PIANG

MIDSAYAP

NORTH COTABATO

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with