May kasong murder, minarder
ORMOC CITY, Leyte – Pinaslang ang isang lalaki na may kasong murder makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa loob ng kanyang minamanehong multicab sa panulukan ng Rizal at Burgos Avenue sa Ormoc City kahapon ng madaling-araw .
Kinilala ni P/Senior Insp. Joseywells Estopen, deputy chief ng PCP1, ang biktimang napuruhan sa ulo ng bala na si Ramoniptes Torralba y Alinsub, 29, binata at naninirahan sa Agua Dulce, Dist. 25.
Ayon kay SPO4 Rudy Sano, si Torralba, ay papauwing nagmamaneho ng multicab-van (GNP-394) mula sa isang gotohan sa Avelis St., nang dikitan at pagbabarilin ng tatlong kalalakihang sakay ng kulay pulang Kawazaki Aura motorcycle.
Sa talaan ng pulisya, kilalang basagulero ang biktima at kasalukuyang nahaharap sa mga kasong physical injury, threats at kailan lang ay isinangkot pagkamatay ng isang miyembro ng Alpha Kappa Rho fraternity na si Melchor Inot sa bahagi ng Osmena Street noong Abril 4. (Roberto C. Dejon)
- Latest
- Trending




















