Ilonggo binurda ng saksak ng Waray
Kinilala ni P/Supt. Manuel Placido hepe rito ang biktima na si Moises Trecblacious, 63, may-asawa, tubong Iloilo at residente ng B-63 L-32 Parklane Brgy. San Francisco ng bayang ito.
Mabilis namang tumakas ang suspek dala ang duguang patalim na ginamit sa pamamaslang na si Lorie Sambilao, 29, tubong Samar at residente ng B-64 L-33 ng nabanggit ding lugar.
Nag-iinuman ang dalawa kasama ang ilang kaibigan nang bigla na lamang magalit ang suspek sa sobrang kapilosopohan umano ng biktima.
Dahil dito ay nagtalo ang dalawa na humantong sa pagkapikon ng suspek kaya’t nang maawat ang dalawa ay nagpasya na lamang umalis ng biktima upang umuwi ngunit wala pang limang minuto ay umalis na rin ang suspek.
Dala ang patalim ay sinundan pala ng suspek ang biktima at nang maabutan sa Phase 2 ay agad na dinaluhong at tinadtad ng saksak sa katawan at agad na tumakas. (Cristina Timbang)
- Latest
- Trending