^

Probinsiya

Killer ng brodkaster namatay sa ospital

- Joy Cantos -

Namatay sa pagamutan ang isa sa mga suspek sa pamamaril at pagkaka­patay  kay Radio Mindanao Network Kalibo Program Director Roland Ureta sa nangyaring krimen sa Ka­libo, Aklan noong Enero 2001, ayon sa ulat kaha­pon.

Kinilala ang suspek na si Jessie Ticar na binawian ng buhay sa Aklan Provincial Hospital.

Batay sa report, mahigit isang linggo nang naratay sa pagamutan si Ticar sanhi ng kaniyang sakit sa lalamunan.

Si Ticar ay ikinulong sa Aklan Rehabilitation  Center matapos maaresto noong Disyembre 2007.

Sa tala ng pulisya, si Ureta na host ng progra­mang ‘Agong Nightwatch’ ng nasabing radio station ay pinagbabaril at napatay ng dalawang armadong suspek noong Enero 3, 2001.

Nabatid na nagdesis­yong sumuko si Ticar sa loob ng tatlong linggo ma­ta­pos namang maaresto ang ka­ samahan nitong suspek na si Amador Raz noong Nob­yembre 26 ng nakalipas na taon.

AGONG NIGHTWATCH

AKLAN

AMADOR RAZ

ENERO

JESSIE TICAR

PLACENAME

RADIO MINDANAO NETWORK KALIBO PROGRAM DIRECTOR ROLAND URETA

SHY

SI TICAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with