^

Probinsiya

2 barangay officials, mag-utol kinasuhan

-

BATANGAS – Dala­wang opisyal ng barangay at dalawa pang sibilyan ang nahaharap ngayon sa ka­song kriminal makaraang  tumangging i-surender sa mga awtoridad ang ina­arestong wanted person sa Barangay 11 Poblacion, Batangas City, Batangas, kamakalawa

Ayon kay P/Supt. Christopher Tambungan, hepe ng Batangas City PNP, ki­na­suhan sa Prosecutors Office sina Rodolfo Marcial, 64, at Levi Perculeza, pa­wang mga konsehal ng Barangay 11 at ang mag-utol na sina Roger at Robert Ferrer.

Napag-alamang isisilbi sana ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Ruben Galvez sina PO3 Jerome Andal at PO3 Arnold Delos Reyes laban sa suspek na si Romeo Ferrer  na may  kasong pagbebenta ng illegal na droga nang maki­alam ang dalawang konse­hal at ang mag-utol na iki­nasugat ng dalawang pulis.

Dahil sa insidente, ka­agad naman inaresto ng pulisya sa pangunguna ni Col. Tambungan sina Mar­cial at Roger Ferrer sa barangay hall habang tugis naman sina Perculeza at Robert Ferrer.

Kasalukuyang nakaku­long sa Batangas police station si Romeo Ferrer na sinentensyahan ng life imprisonment noong June 12, 2007 at pinagbabayad ng P.5-milyon para sa damages. (Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

ARNOLD DELOS REYES

BATANGAS

BATANGAS CITY

CHRISTOPHER TAMBUNGAN

JEROME ANDAL

ROBERT FERRER

ROMEO FERRER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with