^

Probinsiya

Totoy sinagpang ng buwaya

-

May 19 na malalalim na sugat sa katawan ang kumitil sa buhay ng isang pitong taong gulang na batang lalaki matapos itong sagpangin ng pangil ng mabangis na buwaya habang naliligo sa Sumorom River sa Brgy. Ransang,  Rizal, Palawan, kamakalawa.

Kinumpirma ni Police Regional Office 4 B MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) Provincial Police Office Director Chief Supt. Luisito Palmera ang pagka­matay ng biktimang si Mostaquem Ibrahim.

Sa pinakahuling report, ayon kay Palmera, natagpuan na nitong Huwebes dakong alas-10:30 ng umaga ng mga divers ang bangkay ng paslit.

Sinabi ni Palmera na ang bangkay ni Ibrahim ay nasisid ng mga divers sa lalim na 10 metro sa Sumorom River malapit sa lugar kung saan ito sinagpang ng buwaya sa nasabing barangay.

Ang biktima ay halos nagkalurayluray ang katawan sa tinamong 19 malalalim na sugat mula sa ‘killer ‘ buwaya na nagpiyesta sa paglapa sa naturang biktima. Ang bangkay ng biktima ay itinurnover na sa kaniyang pamilya para ihatid ito sa kaniyang huling hantungan. (Joy Cantos)

vuukle comment

BRGY

JOY CANTOS

LUISITO PALMERA

MOSTAQUEM IBRAHIM

PALAWAN

PALMERA

POLICE REGIONAL OFFICE

PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR CHIEF SUPT

SUMOROM RIVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with