CABANATUAN CITY – Panggugulo lamang at walang malinaw na batayan ang inihain na tatlong kasong graft sa Ombudsman laban kay Nueva Ecija Governor Aurelio “Oyie” Umali ni Vice Governor Edward Thomas Joson upang mapagtakpan lamang ang mahabang listahan ng krimen ng nakaraang administrasyon ng Joson.
Si Umali ay inakusahan ni Joson sa umano’y over pricing ng 93 units ng multicab, illegal hiring ng isang information officer at isang government consultant.
Ayon kay Umali, gimik lang ito ni Joson para pagtakpan ang kasong graft laban sa ama nito na si dating Governor Tomas Joson III.
Sinabi rin ni Umali na nagtataka siya, dahil ngayon lang nila nakita na may overpricing samantalang namili rin sila ng multicab na nagkakahalaga din ng P160,000 ang bawat isa na mababa pa umano ang klase sa nabili nilang P175,000 bawat isa na mas superyor ang klase. (Christian Ryan Sta. Ana)