Diplomat tumba sa viagra

Isang diplomat  mula sa Saudi Arabia  ang napaulat na inayawan ni kamatayan  matapos itong ma-overdose sa viagra  (sildenafil  citrate) sa  Iloilo City kama­kalawa.

Sa inisyal na ulat na na­karating sa Camp Crame, ang nasabing diplomat mula sa Middle East na hindi tinukoy ang pagkiki­lanlan  ay  naka-billet sa  isang hotel sa Diversion Road sa Mandurriao District ng nabanggit na lung­sod.

Napag-alamang umi­nom ng dalawang tableta ng viagra na pinaniniwa­laang may 25 mg, isang uri ng gamot ng mga lalaking matatanda (erectile dysfunction) para ganahan sa paki­kipag-sex.

Posibleng hindi sinunod ng diplomat ang paggamit ng viagra na 30 minuto hanggang 4-oras iinumin bago ang sexual activity

Gayon pa man, limang minuto matapos inumin ang viagra ay nakaranas ng pagkahilo, paninikip ng dibdib at nahirapang hu­minga ang diplomat kaya tumawag ito ng saklolo sa mga kasamahan at napigi­lan ang pagsalubong ni kamatayan.

Samantala, bunsod na­man ng pag-inom ng da­lawang tableta ng viagra na itinuturing na maka­sasama sa kalusugan ng maysakit sa puso ay na­nigas ang pagkalalaki ng diplomat sa loob ng anim na oras.

Nabatid pa na maka­lipas mabigyan ng lunas, muling bumalik sa kanyang bansa ang foreign dignitary.

Show comments