^

Probinsiya

‘Task Force Sisig’ binuo

-

Upang mapabilis ang pagresolba sa kaso, binuo ng pulisya ang Task Force Sisig Queen kaugnay ng brutal na pagpaslang sa 80-anyos na biktimang si Lucita Cunanan sa Angeles City, Pampanga noong Miyerkules.

Si Cunanan ay binansa­gang “Aling Lucing Sisig” na pinukpok ng martilyo at sinaksak hanggang sa ma­patay sa loob ng kan­yang ta­hanan.

Kasunod nito, nagpa­patuloy ang imbestigasyon matapos palayain ang mag-utol na sina Jimmy at Jason Arandia na naunang inimbitahan ng pulisya para mabigyang linaw ang kri­men kung saan kabilang sa anggulong sinisilip ay pag­nanakaw at matinding galit.

Kabilang rin sa iniim­bestigahan ay ang asawa ni Aling Lucing Sisig na si Victorino na madalas uma­nong makaaway ng biktima dahil sa pera bago naganap ang kri­men.

Itinanggi naman ni Victorino ang krimen sa pag­sasabing mahal niya ang kaniyang misis  sa loob ng mahabang taon ng kanilang pagsasama at hindi niya magagawang paslangin ito.

Samantala, maging ang kanilang mga anak ay hindi naniniwala na ang kanilang ama ang pumaslang sa kanilang ina.

Si Aling Lucing ay na­ging tanyag dahil sa taglay nitong husay sa pagluluto ng sisig na ipi­nakilala nito noong dekada ‘70  at naging patok sa mga kus­ tomer. Joy Cantos

ALING LUCING SISIG

ANGELES CITY

JASON ARANDIA

JOY CANTOS

LUCITA CUNANAN

SHY

SI ALING LUCING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with