‘Aswang’ binoga, grabe

Kasalukuyang nakiki­pag­laban kay kamatayan ang isang 44-anyos na lalaki matapos itong pag­babarilin ng isang mister sa pag-aakalang aswang sa bayan ng Ivisan, Capiz kamaka­lawa ng gabi. Kasalukuyang isina­salba sa St. Anthony College Hospital ang biktimang si Rotio Balo na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ka­tawan. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-10 ng gabi nang mag­tungo sa damuhan ang biktima habang hinihintay nito ang kaibigan  na na­iwan sa pag­ lalakad. Gayon pa man, isang mister na ‘di-tinu­koy ang pag­ka­kakilanlan ang na­alimpu­ngatan sa pagka­katulog at nang ma­padu­ngaw sa bintana ng kan­yang bahay ay naak­tuhan ang biktima na gumaga­pang sa damuhan. Sa pag-aakalang ito ang gu­magalang aswang na usap-usapan at kinatata­kutan sa kanilang bayan ay agad nitong kinuha ang nakatagong baril at ipinutok sa direksyon ng biktima. Joy Cantos

Show comments