^

Probinsiya

Pamilya nakuryente sa live wire

-

Dalawang miyembro ng isang pamilya ang namatay habang apat pa ang isinu­god sa pagamutan maka­raang aksidenteng makur­yente sa nakalaylay na live wire mula sa poste sa Ba­rangay Licsi, Manaoag, Pangasinan kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Salvador Dis­maya  Jr. at dead-on-arrival naman sa Region 1 Medical Center ang kapatid nitong si Ronald.

Nilalapatan ng lunas at idineklara nang nasa ligtas na kalagayan sa pagamu­tan ang iba pang mga biktimang sina Salvador Dismaya Sr., asawa nitong si Victoria, anak na si Christopher at pamangking si John John.

Bandang alas-7:00 ng umaga, nag-iigib ng tubig ang ina ng mga nasawi na si Victoria sa isang poso sa nasabing lugar nang big­lang matumba ang ginang.

Sa pag-aakala naman ng mister, anak at pamang­kin ng ginang na inatake ito sa puso ay patakbong su­maklolo ang dalawa nilang anak na bigla ring nagkiki­say at natumba sa insi­dente.

Nang lumapit si Salvador Sr. kasama ang isa pang anak at pamangkin ay nakaramdam sila ng kur­yente kung kayat hindi na lamang itinuloy ang pag­saklolo sa mga  ito.

Isinisisi ngayon ng pa­milya Dismaya ang pang­yayari sa Dagupan Electric Corporation dahil sa napu­tol  na kable ng kuryente dahil sa malakas na ulan at kidlat kamakalawa ng gabi sa bayan ng Manaoag at bunsod nito ay lumaylay sa paligid ng poso. (Joy Cantos)

vuukle comment

DAGUPAN ELECTRIC CORPORATION

JOHN JOHN

JOY CANTOS

MANAOAG

MEDICAL CENTER

SALVADOR DIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with