^

Probinsiya

Mindoro jailbreak: 1 todas, 2 nakapuga

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Tatlong preso ang iniulat na nakatakas sa Occidental Mindoro provincial jail kung saan isa ang napatay ng mga awtoridad nang abutan sa bayan ng San Jose, Occidental Min­doro noong Martes ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Supt. Luisito Palmera, Region 4-B (Mindoro, Marinduque, Rom­blon, Palawan) ang napatay na preso na si Junjun Ta­ lamisan na naha­harap sa kasong murder, samantalang nakatakas naman sina Jeffrey Ser­vano at Edmund Estuesta na may mga ka­song robbery at paglabag sa Comelec gun ban.

Si Talamisan ay napatay ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology at local police matapos mang-hostage ng bata pagsapit sa may Barangay Bayotbot sa bayan ng San Jose.

Ayon kay Palmera, tinu­tukan ng kutsilyo ni Talisman ang bata na nagbun­sod para barilin siya ng isang pulis pero nag-jam ang baril nito hanggang sa mag-agawan na lang sila sa kutsilyo.

Habang nagbubuno, naagaw ng pulis ang kut­silyo hanggang sa masak­sak nito sa dibdib ang preso na nagresulta ng pagka­kapatay.

Samantala, nagsasa­gawa naman ngayon ng isang manhunt operation ang mga awtoridad laban sa dalawang preso na nakatakas.

Sa inisyal na ulat, inak­yat ng mga preso ang perimeter fence ng provincial jail sa Barangay Mag­bay bandang alas-2:30 ng hapon

Nalalagay naman sa balag ng alanganing masi­bak sa tungkulin at papa­nagutin ang mga jailguard na nagpabaya sa nasabing jailbreak. (Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

BARANGAY BAYOTBOT

BARANGAY MAG

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

SAN JOSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with