Suspek sa rape slay sumuko

CAVITE – Sumuko na kahapon ang pangunahing suspek sa pagpatay at humalay sa batang babae bago itinapon sa gilid ng peryahang sakop ng Barangay Pinagtipunan sa bayan ng General Trias, Cavite. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Dondon Moya, 18, ng Brgy Pinagtipunan, Purok 4, General Trias. Napag-alamang nagtago ang suspek noong Semana Santa subalit sa takot na mapatay ng mga magulang na kanyang kasamahan sa peryahan ay sumuko naman kay Chairman Maximo Gozu ng nabanggit na barangay. (Cristina Timbang)

Show comments