Tiyahin kinatay ng adik na pamangkin

CEBU — Isang 33-an­yos na misis ang pinagla­lamayan ngayon kasabay na ng kanyang pinagla­lamayang ama matapos itong pagsasaksakin ng adik na pamangkin sa burol ng ama ng biktima sa bisi­nidad ng P. del Rosario Extension, Barangay Das, Toledo­ City, Cebu noong Biyer­nes Santo.

Kinilala ang biktimang si Maritess Talandron Paras na nagtamo ng maraming saksak sa katawan, ha­bang nasakote naman ang suspek na si Andres Al­contin Talandron, 23, kapit­bahay ng biktima sa na­banggit na barangay.

Ayon sa pulisya, ang sus­pek ay dalawang beses nang ipinasok sa drug rehabilitation center dahil na rin sa pagkagumon nito sa droga.

Base sa ulat, kasalu­ku­yang nagbabantay ang bik­tima sa burol ng ama nito sa kanilang bahay nang big­lang pumasok ang sus­pek saka inundayan ng saksak sa likod ang tiyahin.

Sinubukan pa sanang makatakbo palayo ng bik­tima habang nagkakagulo na ang mga tao subalit natalisod ito at saka muling pinagsasaksak at pinag­ta­taga sa harap mismo ng mga nahintakutang nagla­lamay sa patay.

Sa follow-up operation, nasakote naman ang sus­pek at nagsabing may na­kita itong demonyong nag­tutulak sa kanyang gawin ang krimen laban sa kan­yang tiyahin.

Show comments