^

Probinsiya

Holdaper sinagupa ng kahera, todas

-

KIDAPAWAN CITY – Patay ang kahera ng isang sikat na tindahan sa Cotabato City nang makipagbuno ito sa isang holdaper alas-9 ng umaga kahapon.

Kinilala ni Chief Supt. Willie Dangane, hepe ng Cotabato City Police, ang nasawi na si Esterlita Agan, 34, kahera ng Center Point Grocery, isa sa pinakamalaking grocery center sa lungsod.

Ayon sa report, papasok na ng bangko si Agan para magde­posito ng kinita ng grocery center nila nang biglang hablutin ng ‘di kilalang holdaper ang hawak niya’ng bag.

Pero nakipagbuno si Agan sa kawatan kaya siya nabaril ng kasama ng suspek gamit ang caliber .45 pistol.

Sa likod ang tama nito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.  

Ang pinangyarihan ng krimen ay 50 metro lang ang layo mula sa istasyon ng PNP. Gayunman, nabigo pa rin ang mga pulis na madakip ang mga suspek. (Malu Cadelina Manar)

vuukle comment

AGAN

AYON

CENTER POINT GROCERY

CHIEF SUPT

COTABATO CITY POLICE

ESTERLITA AGAN

MALU CADELINA MANAR

WILLIE DANGANE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with