Kalihim ng NPA, tiklo
BULACAN – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang mataas na lider ng mga rebeldeng New People’s Army makaraang arestuhin ng mga tauhan ng pulisya at militar sa pinagkukutaan nito sa bayan ng San Miguel, Bulacan noong Linggo ng hapon.
Kinilala ni P/Senior Supt. Allen Bantolo, Bulacan police director, ang suspek na si Evangeline Manabat y Riquero, 33, kalihim ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA) Front 1 na nakabase sa silangang Bulacan.
Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte sa kasong murder at frustrated murder, ang nadakip na si Manabat ay miyembro rin ng executive committee ng Bulacan Provincial Party Committee ng CPP-NPA. (Dino Balabo)
- Latest
- Trending