Kotse vs trak: Mag-iina, 1 pa todas

BACOLOD CITY – Tra­hedya ang sumalubong sa masayang mag-iina at drayber nila makaraang salpukin ng six-wheeler truck ang kotse ng mga biktima sa tinaguriang “killer highway” sa E.B. Magalona Negros Occidental noong Sabado ng hapon.

Kabilang sa mga nasawi sa pinangyarihang ng sa­kuna na pawang naninira­han sa Barangay Paraiso, Sagay City ay si Sanggunian Ka­ba­taan chairman Gene Noel Jonatas, 17; inang si Mini Magdalene, 39; at ang driver na si Allan Carmona, 26, habang ang 6-anyos na si Ann Margaret ay namatay sa Riverside Medical Center.

Sa ulat ni E.B Magalona traffic chief Edwin Dumada-og Jr., ang mga biktima ay lulan ng puting Honda Civic nang salpukin ng Isuzu truck na pag-aari ng Kim Marketing at minamaneho ni Roland Pasigado, 26, ng Pulupandan, Negros Occidental.

Lumilitaw sa imbestigas­yon, si Pasigado na ngayon ay nakapiit sa himpilan ng pulisya ay nawalan ng kon­trol sa manibela kaya na­bangga ang kasalubong na kotse ng mga biktima.

Samantala, napilitang umuwi ng bansa, ang amang si Erjo Jonatas, mula sa United States kung saan nagtatrabaho sa luxury liner para ilibing ang kanyang mag-iina. (Anto­nieta Lopez)

Show comments