^

Probinsiya

Misis sabit sa tangkang pagpatay sa sariling mister

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Nalalagay sa balag ng alanganin ang 50-anyos na misis ng police official mata­pos ituro ito ng isang suspect-turned-witness na nag-mastermind sa pag­patay sa sarili nitong mister noong November 8, 2007.

Ayon kay P/Senior Supt. Christopher Laxa, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Region 4A, nahaharap nga­yon ang suspek na si Myra Mirasol Jasani ng Biñan, Laguna sa kasong frustrated parricide na inihain sa Provincial Prose­cutor’s Office ng Biñan, Laguna noong February 28, 2008.

Bukod kay Jasani, naha­harap din sa kasong robbery with intimidation of persons, ang mga suspek na sina Alfredo Tindoc, Buboy Javier Navarro at ang suspect-turned-state witness na si Emmanuel Melegrito.

Napag-alamang sumuko sa mga awtoridad si Meleg­rito at ibinunyag ang kanilang plano sa paglikida sa asawa ni Myra na si P/Supt. Adjare Agga Jasani, 55, naka-assign sa Salaam Police ng PRO 4A- Calabarzon.

Sa sinumpaang salaysay ni Melegrito sa harap ni Atty. Joaquin Delos Santos noong December 21, 2007, lumi­litaw na kinontak ni  Myra si Buboy Javier Navarro, alyas “Master Bert” para planuhin ang kri­men. 

Napag-alamang nag­tagpo ang grupo sa bahay ni alyas Master Tindoc sa Won St. corner Colar St., Phase 8 North Fairview, Quezon City noong Nob. 2 na na­sundan pa noong Nob. 6.

Sa salaysay ni Melegrito, noong November 8, papa­sok na sana si Supt.Jasani sa bahay nito sa Block 10 Lot 17 Phase 2A, Macaria Village, Barangay San Francisco, Binan, Laguna nang salubu­ngin at pagpapaluin sa ulo bago barilin nina Tindoc at  Navarro.

Tumakas ang dalawa tangay ang clutch bag na may P48,000, isang cal. 9mm pistol, dalawang celfone at iba pang personal na gamit.

Si Melegrito, na tuma­yong lookout sa labas ng bahay ng biktima, ay pina­ngakuan ng P10,000 na nakatanggap muna ng P2,000.

Sa panayam ng NGAYON kay Mrs Jasani, na kawani ng San Pedro Health Office, mariin nitong itinanggi na may kinalaman siya sa tang­kang pagpatay sa kanyang asawa.

“Noong una pa man ay inaakusahan na ako ng aking mga in-laws na utak sa paglikida ng aking asawang opisyal para ma­kuha lahat ang mga be­nipisyo ng isang asawa ng pulis,” pahayag pa ni Mrs. Jasani. 

“Sige kasuhan nalang nila ako at sasagutin ko na lang sila sa korte,” dagdag pa ni Mrs. Jasani. (Arnell Ozaeta)

ADJARE AGGA JASANI

BUBOY JAVIER NAVARRO

CITY

MRS. JASANI

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with