Matapos ang mahigit apat na taong pagtatago sa batas, sumuko kahapon ang ex-mayor na pangunahing suspek sa pagpatay sa station manager/broadcaster ng Bombo Radyo sa Kalibo, Aklan noong Nob. 2004.
Sa ulat ni P/Supt. Benigno Durana, bandang alas-3 ng hapon nang sumuko si dating Lizo, Aklan Mayor Fred Arsenio sa Kalibo Regional Trial Court Branch 7.
Si Arsenio na naghain ng petition for bail sa kasong murder, ang itinuturong bumaril at nakapatay kay Boy Hinolan, noong Nob. 13, 2004 sa nabanggit na bayan.
Nagtago sa batas si Arsenio matapos magpalabas ng warrant of arrest ang korte laban dito noong Setyembre 2006.
Isinailalim na sa kustodya ng Aklan Rehabilitation Center si Arsenio. (Joy Cantos)