CAVITE – Aabot sa 15-kababaihan na pinaniniwalaang nagbebenta ng panandaliang-aliw sa mga mangingisda kapalit ng sangkilong isda ang inaresto ng mga awtoridad sa Barangay Munting Mapino sa bayan ng Naic, Cavite kamakalawa. Ayon sa pulisya, lima sa sampung kababaihan ay pawang 13-anyos habang ang iba naman ay may edad na 18 hanggang 36-anyos na mga residente ng mga Barangay Timalan at Ibaya sa nabanggit na bayan. Ang pagsalakay sa nasabing lugar ay batay sa natanggap ng reklamo mula sa mga residente kaugnay sa bentahan ng panandaliang-aliw sa mga mangingisdang dumadaong kapalit lamang ng ilang pirasong isda na ginagawang pamatid-gutom. Base sa ulat, naaktuhan ng awtoridad ang modus operandi ng mga tinaguriang “pokpok” ng karagatan sa mismong daungan sa mga bangka nagaganap ang pagtatalik. Kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon ng lokal na Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nasakoteng kababaihan. (Cristina Timbang)