^

Probinsiya

15 ‘pokpok’ arestado

-

CAVITE – Aabot sa 15-kababaihan na pinaniniwalaang nagbebenta ng panandaliang-aliw sa mga mangingisda kapalit ng sangkilong isda ang inaresto ng mga awtoridad sa Barangay Munting Mapino sa bayan ng Naic, Cavite kamakalawa. Ayon sa pulisya, lima sa sampung kababaihan ay pawang 13-anyos habang ang iba naman ay may edad na 18 hanggang 36-anyos na mga residente ng mga Barangay Timalan at Ibaya sa na­banggit na bayan.  Ang pagsalakay sa nasabing lugar ay batay sa natanggap ng reklamo mula sa mga residente kaugnay sa bentahan ng panandaliang-aliw sa mga mangingisdang dumadaong kapalit lamang ng ilang pirasong isda na ginagawang pamatid-gutom. Base sa ulat, naaktuhan ng awtoridad ang modus operandi ng mga tinaguriang “pokpok” ng karagatan sa mismong daungan sa mga bangka nagaganap ang pagtatalik. Kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon ng  lokal na Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nasakoteng kababaihan. (Cristina Timbang)

AABOT

AYON

BARANGAY MUNTING MAPINO

BARANGAY TIMALAN

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with