^

Probinsiya

Holdap: Payroll officer ni Chavit pinatay

-

CAVITE – Isa na na­mang brutal na krimen ang naganap sa bayan ng Das­mariñas, Cavite makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang mister at asawang chief payroll officer ni dating Governor Luis “Chavit” Singson ng mga ‘di-pa kilalang kala­lakihan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Jose­marte Paras, ang mag-asawang napatay na sina Felix Maramag, 45; at Carolina Maramag, 45, kapwa residente ng Solar Homes, Barangay San Agustin 2, Dasmariñas, Cavite.

Napag-alamang papa­uwi na ang mag-asawa sakay ng traysikel nang harangin at pinagbabaril ng dalawang maskaradong kalalakihang sakay ng motorsiklo sa may Ba­rangay Zone 1.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa kanilang ulo ang mag-asawa,  samantalang sugatan naman ang pedestrian na si Mary Claire Lu­zarata, 20, matapos ta­maan ng ligaw na bala sa ulo at kasalukuyang gina­gamot sa University Medical Center.

Sa panayam ng NGAYON sa mga imbestigador, si Carolina Maramag ay chief payroll officer sa isang security agency ni ex-Governor Sing­son sa San Andres, Maynila.

Robbery ang sinisilip na motibo ng pamamaslang matapos itakbo ng mga killer ang bag ni Carolina na inaalam pa rin hanggang sa ngayon kung ano ang mga laman nito. (Cristina Tim­bang, Arnell Ozaeta at Joy Cantos)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY SAN AGUSTIN

CAROLINA MARAMAG

CAVITE

CRISTINA TIM

FELIX MARAMAG

GOVERNOR LUIS

GOVERNOR SING

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with