^

Probinsiya

2 tinodas habang nagdarasal

-

CAMP CRAME – Brutal na kamatayan ang sinapit ng dalawa-katao kabilang ang isang barangay ka­gawad makaraang ratratin ng mga ‘di-kilalang kala­lakihan ha­bang nagdarasal ang una sa Sitio Sitimpa, Barangay Luui Pandan sa bayan ng Bo­ngao, Tawi-Tawi kamaka­lawa.

Kabilang sa mga napas­lang ay sina Barangay Ka­gawad Asiri Baybayan at Indang Sakandal.

Samantala, inoobser­bahan naman sa Datu Ha­lum Memorial Hospital ang mga sugatang sina Iyam Balayan at Damia Madisan.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Joel Goltiao, police director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, na isi­nu­mite sa Camp Crame, nag-ugat ang krimen ma­karaang magtalo sina Bay­bayan at ang suspek na si Araja Am­mad kaugnay sa pinag-aagawang dalaga.

Gayon pa man, maka­lipas ang ilang oras habang ang mga biktima ay nag­dara­sal sa tahanan ni Bay­bayan nang dumating at ratratin ng suspek.

Pinaniniwalaang love triangle ang isa sa motibo ng kri­ men habang patuloy na­man ang imbestigasyon ng pulisya. (Joy Cantos)

vuukle comment

ARAJA AM

ASIRI BAYBAYAN

AUTONOMOUS REGION

BARANGAY KA

BARANGAY LUUI PANDAN

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

DAMIA MADISAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with