^

Probinsiya

Lider ng Al Khobar arestado

- Nina Malu Manar at Joy Cantos -

KIDAPAWAN CITY – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isa pang lider ng Al Khobar Extortion Group na responsible sa pambobomba sa Central Mindanao sa isi­nagawang operasyon sa bayan ng Pres. Quirino sa Sultan Kudarat noong Huwebes.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rogelio Naresma ng Cota­bato Regional Trial Court Branch 23, dinakip ng mga tauhan ng Cotabato PNP at Kidapawan City Special Weapons and Tactics, ang suspek na si Musali Gardo 35, na gumagamit ng mga alyas Musali Cado, Musa­lim Abas at Dyanggo.

Si Gardo ay isa sa 30 miyembro ng Al Khobar na kinasuhan ng murder, multiple frustrated murder at multiple attempted murder kaugnay ng pambobomba sa isang mall sa Kidapa­wan City noong Nov 22, 2007.

Ayon sa ulat, kasama ni Gardo sa pambobomba sa KMCC Mall sina Muhalidin Hassan at Alex Sanduyu­gan na inaresto noong Nov 22, 2007, ilang oras pagka­tapos ang bombing.

Sumunod na nasakote si Melvin Claro na pinani­niwalaang financial conduit ng Al Khobar na inaresto noong February 8, 2008.

Sa panayam ng PSN NGAYON, inamin ni Gardo na kasama siya sa lumusob sa Cotabato provincial rehabilitation center sa bayan ng Amas noong Feb 2, 2007 na nagresulta para makatakas ang 48 preso, kabilang na ang mga may kasong extortion, kidnapping at mga pagpatay  bu­nga ng mga pambo­bom­ba. Kasalukuyang suma­sailalim sa tactical interrogation si Gardo sa Kida­pawan PNP.

AL KHOBAR

AL KHOBAR EXTORTION GROUP

ALEX SANDUYU

COTABATO

GARDO

JUDGE ROGELIO NARESMA

KIDAPAWAN CITY SPECIAL WEAPONS AND TACTICS

MELVIN CLARO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with