P50-M ‘damo’ nasamsam

CAMP CRAME – Umaabot sa P50 milyong marijuana na nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa bayan ng Alilem, Ilocos Sur kamakalawa.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 1 director Chief Supt. Leopoldo Bataoil, ang pagkakasamsam sa bulto ng marijuana ay bahagi ng pinalakas na anti-drug campaign ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nakakumpiska ng 190,000 marijuana ang pangkat ng RMG 1 sa dalawang ektaryang lupain habang ang ikalawang pangkat naman ay aabot sa 130,000 sa naturang marijuana eradications ope­ration.

Sinabi ni Bataoil na ang nasamsam na bulto ng marijuana ay umaabot sa P 90 milyon bagaman wala ni isa man sa cultivator nito ang nasakote ng pulisya sa isinagawang operasyon.

Kaugnay nito, naglunsad na ang pulisya ng hot pursuit ope­rations laban sa armadong kalalakihan na itinuturong nagmamatine sa pataniman ng marijuana  sa hangganan ng Alilem, Ilocos Sur at Cayapa, Benguet. (Joy Cantos)

Show comments