Bus hulog sa bangin: 1 utas, 16 pa grabe

CAMP CRAME  – Kumpirmadong nasawi ang isang babae habang 16 iba pa ang malubhang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang pampasaherong bus kahapon ng madaling-araw sa Sitio Balite, Barangay Marilog, Davao  City. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Maxima Obarco, ng Cagayan de Oro City habang isinugod naman sa Davao  Medical Center ang mga nasugatan. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naitala ang sakuna dakong  3:45 ng madaling-araw ha­bang binabagtas ng Rural Bus Tour na may body number  2792 ang  naturang lugar mula Cagayan de Oro  City patungong Davao City nang mawalan ng kontrol sa manibela  ang driver. Lumilitaw din sa inisyal na imbestigasyon na madulas ang lansangan dahil sa ulan at makapal na hamog na halos hindi na makita ng drayber ang highway na nagbunsod sa trahedya. (Joy Cantos)

Show comments