Lider ng Cafgu itinumba

KIDAPAWAN CITY – Tinambangan at napatay ang isang 52-anyos na lider ng Cafgu sa panibagong karahasang naganap sa bahagi ng Barangay Buhay sa bayan ng Makilala sa North Cotabato kamakalawa. Dalawamput apat na bala ang tumapos sa buhay ni Sergio “Lemboy” Iroc, matapos ratratin ng mga di-kilalang kalalakihan. Si Iroc na kawani rin ng Dole Stanfilco, ay napatay habang nagmomotorsiklo pauwi bandang alas-6 ng gabi. Napag-alamang pinagsabay ni Iroc ang pagiging team lider ng Cafgu sa ilalim ng 72nd Infantry Battalion ng Philippine Army at pagiging kawani ng nasabing kompanya. Hanggang sa kasalukuyan ay blangko pa rin ang pulisya sa tunay na motibo ng krimen. (Malu Cadelina Manar)

Show comments