LEGAZPI CITY – Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang hepe ng pulisya makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army sa bahagi ng Barangay Managa-Naga sa bayan ng Aroroy, Masbate kahapon ng umaga.
Patungo sana sa pagpupulong ng mga opisyal sa provincial office ang hepe ng pulisya sa bayan ng Mandaon na si P/Chief Insp. Brian Castillo sakay ng Wrangler-type jeep nang ratratin ng mga nakaposisyong rebelde.
Matapos makaiwas sa pananambang ay nagtamo ng sampung tama ng bala ang sasakyan ni Castillo. (Ed Casulla)